An official website of the United States government.

This is not the current EPA website. To navigate to the current EPA website, please go to www.epa.gov. This website is historical material reflecting the EPA website as it existed on January 19, 2021. This website is no longer updated and links to external websites and some internal pages may not work. More information »

Coronavirus at ang Iniinom na Tubig at Wastewater

May kaugnayan na impormasyon sa Ingles.

Walang mas mangunguna pa sa priyoridad ng EPA bukod sa pagpoprotekta sa kalusugan at kaligtasan ng mga American. Ang EPA ay nagkakaloob ng mahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19 at ang kaugnayan nito sa iniinom na tubig at wastewater para makapagkaloob ng kalinawan sa publiko. Ang COVID-19 virus ay di natuklasan sa mga supply ng iniinom na tubig. Batay sa kasalukuyang mga katibayan, ang panganib sa mga supply ng tubig ay mababa. Maaaring magpatuloy ang mga American na gumamit at uminom ng tubig mula sa kanilang gripo tulad nang nakagawian. Hinihikayat rin ng EPA ang publiko na panatilihing ang plumbing ng sambahayan at para sa maayos na paggana ng ating imprastraktura ng tubig ng bansa sa pamamagitan ng pag-flush lang ng toilet paper. Ang mga disinfecting wipes at iba pang mga item ay dapat itapon sa basurahan, hindi sa toilet.

Noong Marso 27, 2020, ang Administrator ng EPA na si Andrew Wheeler ay nagpadala ng sulat sa mga Gobernador ng lahat ng 50 estado, mga territory, at Washington, DC, na hinihiling na ang mga manggagawa sa tubig at wastewater, at pati na rin ang mga manufacturer at supplier na nagkakaloob ng mahahalagang serbisyo at materyales sa sektor ng patubig, na makonsidera ilang mga mahahagalang manggagawa at negosyo ng mga awtoridad ng estado kapag ipinapatupad ang mga limitasyon sa pagpapatatag ng pagkalat ng COVID-19. Ang aming kritikal na imprastraktura ng tubig at ang mga operator nito ay nagtitiyak ng ligtas na supply ng tubig sa ating mga tahanan at ospital, at depende sa mga panggamot na mga kemikal, mga laboratory na suppy at mga may kaugnayan goods at materyales. Basahin ang sulat noong Marso 27, 2020 ni Administrator Wheeler sa mga Gobernador ng Estados Unidos (PDF). 

Ang Ahensya ay nagkaloob ng isang template na magagamit ng estado, mga lokalidad at water utility para makapagkaloob ng wastong dokumento na makokonsiderang napakahalaga: Water Utility Template: COVID-19 Pandemic (DOCX)(2 pp, 31 K, Abril 3, 2020)

Sinusuportahan rin ng EPA ang mga estado at lungsod na nagsagawa na ng mga proactive na hakbang para matiyak ang patuloy na access sa malinis na tubig na maiinom at maggagamit na panghugas ng kamay habang may COVID-19 pandemic. Maraming mga drinking water system ang nagpahinto sa pagpuputol ng serbisyo, ibinabalik ang serbisyo sa mga customer na ang serbisyo ay dating naputol, at nagpipigil sa pagpapatupad ng mga multa sanhi ng di pagbabayad. Inirerekumenda ng EPA ang malawakang pagpapatupad ng mga pamamalakad na ito, na nagbibigay ng kritikal na suporta sa pampublikong kalusugan.

Karagdagang Impormasyon: